Kung mapapansin ninyo, ang larawan na nasa kaliwa ay nagpapakita ng mga mag-aaral na nagtataglay iba't ibang ugali. Sa loob ng silid aralan, mayroong mananayaw, mangaawit, mahilig sa esports, matigas ang ulo, matalino, inaapi, nang-aapi, walang paki, nagchichismisan, nagiibigan, at hindi mawawala ang isang mag-aaral na naiiba sa lahat. Hindi maipagkakait na tayong lahat maging bata o matanda man, hindi tayo magkapareho ng mukha at lalong lalo na sa personalidad.
Marami sa mga mag-aaral ngayon ang naghihirap dahil sa kanilang mga proyekto at mga gawain sa paaralan. Ngunit may iilan na gustong magpatuloy sa kanilang ginagawa dahil gusto talaga nila, habang may iilan naman na napipilitang magpatuloy dahil gusto lamang nilang makagraduate kahit wala silang natutunan. Ayon nga kay John Holt, ”Sinisira ng iilang magulang ang pag-ibig ng mga bata sa pag-aaral, kung saan sila ay malakas habang ang mga ito ay maliit pa, sa pamamagitan ng paghikayat at nakakahimok ang mga ito sa trabaho para sa maliit at hamak na premyo.” Masasabi natin na isa sa mga dahilan ng pagkakaiba ng ugali ng mga mag-aaral ay dahil sa iba’t ibang pamamaraan ng pagpapalaki sa kanila.
Ang larawan naman na nasa kanan ay larawan ng isang klase sa Pilipinas. may iba't ibang kakayahan, iba't ibang ugali at iba iba rin ang kani kanilang mga pangarap sa buhay. Ang tanging pangarap lamang ng isang estudyante ay ang magkaroon ng magandang kinsabukasan. Iinaalay nila ito para sa kanilang pamilya, sarili, kasintahan, at maaari ring para sa ating bansa. Sabi nga ni Walt Disney, "Lahat ng mga pangarap natin ay maaaring matupad, kung tayo ay may lakas ng loob na ituloy ang mga ito." Kaya nararapat lamang na hindi tayo sumuko sa mga pangarap natin. Ang pagkakaiba ng mga personalidad ng mga mag-aaral sa panahon ngayon ay maaaring makagawa ng isang magulo ngunit isang masayang klase. Sabi nga ni Gatham sa articulong "How Personality Type Affects Your Student’s Experience in the Classroom" Maaari kang magkaroon ng isang grupo o magkaroon ng isang mag-aaral na mapapahanga ka sa mga aking galing na mayroon sya na para sa lahat. Ibig sabihin, hindi nakakadulot ng masama ang pagkakaiba-iba ng personalidad ng mga mag-aaral lalong lalo na sa Pilipinas dahil ito ang nagtataglay ng mga matalino at talentadong mga mag-aaral na maaring maka unlad ng ating bansa.